Saturday, November 17, 2012

K2 Sibika At Kultura: Ang Mapa ng Pilipinas Exercise


Isang simpleng proyekto na makakatulong sa iyong anak na matutunan at masaulo ang itsura ng mapa ng Pilipinas at matukoy ang tatlong malalaki nitong isla (Luzon, Visayas, at Mindanao).



Mga Kagamitan:

Computer
Bond paper
Colored Printer
Coloring Materials
Colored Marker
Lapis
Hair Dryer

Pamamaraan:



1. Sa isang pirasong papel bakatin ang hugis o iprint ang hugis ng mapa ng Pilipinas.


2. Gamit ang pangkulay, kulayan ang tatlong malalaking isla ng Pilipinas.  Makakatulong kung gagawin mong magkakaiba ang kanilang kulay.


Para sa proyektong ito, gumamit ako ng Pop-up paint na mabibili sa mga Book Store para mas umangat ang hugis ng mga pulo.
3.  Patuyuin ito sa loob ng 3 hanggang 4 na oras.
4.  Gamitan ng Hair dryer para umangat ang Pop-up paint.
5. Isulat ang mga pangalan ng isla sa gilid nito.
6. Maaari mo na itong ipaskil sa pader o sa isang lugar na madalas makita ng iyong anak.

Para sa mga libreng Art Projects maaari mo ring puntahan ang www.artiskul.blogspot.com

No comments:

Post a Comment