Isang proyekto na makakatulong sa iyong Anak na matutunan at masaulo ang mga Araw ng Linggo.
Mga Kagamitan:
Computer
Bond paper
Colored Printer
Carton
Glue
Makukulay na papel
Gunting
Tape
Pamamaraan:
1. Iprint ang Mga Araw ng Linggo sa isang piraso ng papel. Pagtabihin ang Tagalog na pangalan ng bawat araw at itabi ang katumbas na salita nito sa ingles para madaling matutunan at masaulo ng iyong anak.2. Gamit ang glue, idikit ang naiprint na listahan sa isang pirasong karton..
3. Lagyan ng karagdagang disenyo ang iyong listahan sa pamamagitan ng pagdikit ng makukulay na papel o makulay na tape. Maari mo na ngayong ipaskil ang listahan sa isang lugar na madalas makita ng iyong anak.
4. Maari mo ring gupitin ang listahan para makalikha ng maliliit na flash cards na maaari mong ipa buo sa anak mo.
No comments:
Post a Comment