Sunday, September 16, 2012

K2 Filipino: Ang Puno Ng Buhay (Family Tree) Exercise


Isang pagsasanay na nagpapakita ng Puno ng Buhay at ng kung sinu-sino ang mga kasapi ng pamilya.


Mga Kagamitan:

Colored Papers
Glue
Colored Pens/Markers
Scissors
Mga Larawan ng mga kasapi ng Pamilya

Pamamaraan:

1. Gumupit ng mga larawan ng bawat kasapi ng pamilya.
2. Gumuhit ng hugis ng katawan ng punongkahoy sa isang pirasong brown colored paper at gupitin ito.
3. Gumuhit ng hugis ng mga Dahon ng punongkahoy sa isang pirasong green na colored paper at gupitin ito.
4. Idikit ang ginupit na hugis ng katawan at dahon ng punongkahoy sa isang pirasong colored paper na iyong gusto.
5. Idikit ang ginupit na larawan ng Tatay at Nanay sa katawan ng punong kahoy at lagyan label gamit ang colored marker.
6. Idikit ang ginupit na larawan ng mga anak sa dahon ng punongkahoy at lagyan ng label gamit ang colored marker.
7. Maari mo na ngayong ipaskil ang natapos na proyekto sa pader o sa lugar na madalas makikita ng iyong anak para madali niya itong masaulo.

No comments:

Post a Comment